Miyerkules, Oktubre 3, 2018

Pagkamalikhain at Diskarte ni Titser



            Ang “ guro” o “ titser”  ay ang tinaguriang  pangalawang magulang. Sila ang humahalili sa mga responsibilidad ng magulang kapag nasa paaralan na ang mga bata. Lahat ng guro ay walang ibang hangad kundi mapabuti ang pagtuturo upang ang mga tinuturuan ay may malalaman at maiintindihan sa bawat talakayang nais ilahad. Paano nga ba ito magagawa ng titser?. Ito ang tanong na isang hamon sa mga titser na naka-assign sa mga liblib na lugar, walang kuryente o sa madaling sabi ay malayo sa kabihasnan at sibilisasyon. Ito na ang kadalasang senaryo lalong-lalo na nang  mga baguhang guro. Para maging epektibong guro sa ganitong senaryo, pagkamalikhain at diskarte ni titser ay talagang dapat taglayan.

Nakuha mula sa Google.com

Nakuha mula sa Google.com

            Ang pagkamalikhain ng isang guro ay sinasabayan ito ng diskarte. Suriin ang mga sumusunod na talakayan, planohing mabuti ang mga gagawain sa nasabing paksa at ihanda ang mga kagamitang karapat dapat gamitin sa paksa. Sa ganitong paraan, maaaring kolektahin ang mga  kakailanganin sa bayan bago babalik sa lugar na pagtuturuan. Kaakibat na ng guro ang pagsasakripisyo hindi lang sa lakas kundi pati rin sa pinansyal para lamang matagumpayan ang minimithing layunin sa pagtuturo. Ang pagreresaykol ng mga kagamitan sa paligid bilang dagdag kagamitan  sa pagtuturo tulad na lang sa paggawa ng visual aid ay maaaring gamitin ang likuran ng mga malalaking kalendaryo . Sa paggawa ng desinyong grapiko, maaaring gamitin ang mga malalaking lumang karton, didikitan lamang ito ng mga makukulay na papel para dagdag palumuti. Nakakatulong ito sa pagkuha ng mga interes ng mag-aaral para maging handa sa talakayan.
Nakuha mula sa Google.com

Nakuha mula sa Google.com

           
Sa makabagong henerasyon ngayon, hindi maiiwasan na mayroon paring mga mag-aaral na hindi alam kung paano at ano ang mga teknolohiya na laganap sa ibang kapaligiran. Kaya bilang mga baguhang guro, dapat paghandaan ito, para hindi mahadlangan ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa partikular na lugar. Bilang tagapag-hubog ng isang indibidwal na sa hinaharap ay inaasahang maging matagumpay sa anumang larangan  na mapili nila sa kani-kanilang buhay. Pagkamalikhain at diskarte ng isang titser dapat taglayin at paunlarin kahit sa anumang  hamon ng pagkakataon at panahon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento